MANILA, Philippines - Alam ni coach Luigi TrilÂlo na ang matibay na deÂpensa ang magpapasok sa kanila sa quarterfinal round.
At pinatunayan ito ng Alaska nang takasan ang Barako Bull, 91-89, para umabante sa quarterfinals ng 2013 PBA Governor’s Cup kagabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Bumawi ang Aces muÂla sa isang eight-point deÂfiÂcit sa huling minuto ng fiÂnal canto para wakasan ang kanilang two-game loÂsing slump kasabay ng pagÂpapalasap sa Energy ng ikatlong sunod na kaÂmaÂlasan nito.
Umasa ang Alaska kiÂna JVee Casio, Calvin AbuÂeva, Cyrus Baguio, ToÂny Dela Cruz at import Wendell McKines sa fourth quarter para talunin ang Barako Bull.
Matapos ilista ng BaÂrako Bull ang 85-77 abante sa huling minuto ng fourth quarter ay tumiÂpa naman si Casio ng daÂlawang magkasunod na three-point shots para sa 83-85 agwat ng Alaska.
Ang dalawang charities ni Danny Seigle ang muÂling naglayo sa Energy sa 87-83.
Nagsalpak ng tres si Baguio kasunod ang jumÂper ni Dela Cruz para sa 88-87 bentahe ng Aces sa huÂling 1:15 minuto.
Muling nakuha ng BaÂrako Bull ang unahan sa 89-88 sa nalalabing 23.5 seÂgundo.
Umiskor si Dela Cruz ng split kasunod ang daÂlawang free throws ni McÂÂKiÂnes para sa 91-89 abanÂte ng Aces.
Alaska 91 - McKines 21, Baguio 15, Casio 14, Espinas 11, Thoss 8, Abueva 7, Hontiveros 7, Jazul 5, Dela Cruz 3.
Barako Bull 89 - Singletary 38, Buenafe 12, Seigle 11, Weinstein 7, Villanueva 7, Pennisi 7, Intal 3, Macapagal 2, Cruz 2, Marcelo 0, Jensen 0.
Quarterscores: 20-25; 39-39; 62-64; 91-89.