PNP may tsansa pa sa quarterfinals berth

TEAM    W            L

Cagayan               7              0

Phl Army              5              1

Phl Air Force       5              2

Smart    4              3

Meralco               3              4

Phl Navy              1              5

PNP       1              5

FEU        0              6

Laro SA BIYERNES

(The Arena, San Juan)

2 p.m.- FEU vs Army

4 p.m.- Navy vs PNP

 

 

MANILA, Philippines - Walang naipantapat ang FEU sa lakas nina Thai import Sangmuang Pat­charee at Janine Nicole Marciano nang kunin ng Philippine National Police ang 25-20, 25-14, 20-25, 25-19 panalo para buha­yin ang pag­hahabol sa isang quarterfinals seat sa Sha­key’s V-League Season 10 Open Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Tumapos si Patcharee bit­bit ang 23 puntos na ki­­natampukan ng 21 kills bu­kod sa tig-isang block at serve, habang si Mar­cia­no ay nagdagdag ng 21 hits, kasama ang 20 kills.

Ang pinagsamang 41 attack points ng dalawang Lady Patrollers ay kapos lamang ng dalawang kills sa 43 na gina­wa ng Lady Tamaraws para mamaalam na sa liga mula sa 0-6 baraha.

May pitong digs pa si Patcharee, may 14 hits si Frances Molina, habang gumawa ng 22 excellent sets si Ana Concepcion pa­ra sa PNP na tinapos ang limang sunod na pagkatalo para magkaroon pa ng tsansang pumasok sa quarterfinals.

Huling laro ng PNP ay laban sa Navy sa Biyernes at ito ang magsisilbing knockout game para sa quar­­terfinals spot.

Pinalawig naman ng Air Force ang pagpapana­lo sa limang dikit nang ka­lusin sa limang sets ang Me­ralco, 25-20, 12-25, 23-25, 25-23, 15-10, sa ikalawang laro.

Lumabas ang determi­nasyon ng Air Women sa huling dalawang set at sina Judy Ann Caballejo, Maika Ortiz at Wendy Semana ang nagbida.

Show comments