MANILA, Philippines - Hindi sinayang ni Thirdy Ravena ang pagsisikap na ginawa sa first round nang doblehin niya ang kanyang kayod sa second round upang masungkit ang Most Valua-ble Player (MVP) award sa UAAP juniors division.
Kumulekta si Ra-vena ng 79.5714 statistical points para bigyan ang sarili ng magandang pamamaalam sa high school basketball.
Ang MVP race sa UAAP ay ibinabase sa stats ng mga manlalaro.
Bumaba ng kaunti ang average sa puntos ni Ra-vena kumpara sa first round na 19 nang tumapos ito taglay ang 18.7 points, pero bumawi siya sa rebounding at assists sa ibinigay na 11.2 rebounds at 4.3 assists.
May nakuhang 949 sa statistical points habang may 165 bonus pa si Ra-vena para iwanan ang mga katunggali na sina Mark Dyke at John Cauilan ng National University.
Si Dyke na naghahatid ng 13 puntos at 16 rebounds averages at si Cauilan na may 16.2 puntos at 8.4 rebounds ay kumulekta ng 74.7143 at 65.8333.
Isa pang Bullpups na si Hubert Cani na nagtatala ng 13.8 puntos, 6.1 assists at 4.9 rebounds ang nasa ikalimang puwesto sa karera sa 63.7143.
Ang apat na manlala-rong ito ang siyang dahilan kung bakit winalis ng NU ang 14-game elimination para umabante na sa finals at may bitbit na thrice-to-beat advantage sa aangat matapos ang step-ladder semifinals.
Number two ang Blue Eaglets sa eliminasyon sa 11-3 baraha at tiyak na gagawin ni Ravena ang lahat ng makakaya para maagaw pa ang titulo sa Bullpups upang makumpleto ang produktibong huling taon ng pag-lalaro sa dibisyon.
Ang La Salle at FEU ang magtutuos sa knockout game para madetermina kung sino ang kalaro ng Eaglets na may twice-to-beat advantage.