MANILA, Philippines - Natalo na sa basketball court noong Sabado ay nabigo pa kahapon sa technicality ang Elasto Painters.
Nagsumite ng protesta ang nagdedepensang Rain or Shine hinggil sa kanilang 100-101 pagkatalo sa Barangay Ginebra noong Sabado sa Smart Araneta Coliseum.
Ang naturang protesta ay dumating sa lamesa ni PBA Commissioner Chito Salud kahapon ng hapon.
Ngunit ayon kay Salud, hanggang alas-12 lamang ng tanghali ang deadline para sa pagsusumite ng protesta ng isang koponan isang araw matapos ang laro.
“Rain or Shine filed its protest out of time,†wika ni Salud. Tinawagan ng foul ni referee Nol Quillingen ang sumugod na si Beau Belga kay Mac Baracael na nasa three-point line at nagresulta sa tatlong krusyal na free throws ng small forward sa natitirang 0.3 segundo.
“The contact made by defender Belga on the shooter Baracael, was spot-on,†sabi ni Salud. “The referee made the correct call.â€
Bukod sa itinawag na foul ni Quillingen kay Belga, inireklamo rin ng Elasto Painters ang oras sa game clock kung kailan ito nangyari.
Itinawag ang foul kay Belga sa huling 1.3 segundo, ngunit inihinto ang oras sa 0.3 segundo.
“Time will be stopped when the whistle is blown, not at the point of contact,†paliwanag ni Salud. “There was no technical error committed in this game and we are thus upholding the results. Ginebra won the game.â€