Odom kinasuhan dahil sa drunk drIving

LOS ANGELES -- Kinasuhan na si dating L.A. La­­­kers star Lamar Odom dahil sa pagmamaneho ng la­­sing noong nakaraang buwan.

Ikinulong si Odom, sinasabing nasa impluwensya ng ipinagbabawal na gamot at may problema sa k­anilang relasyon ni reality TV show star Khloe Kardashian, noong Agosto 30, ayon sa California Highway Patrol (CHP) police force.

Sa isang arrest report, iniulat na nakita ang 33-an­yos na dating Lakers at Los Angeles Clippers standout, na nagmamaneho ng kanyang puting Mercedes SUV sa isang ‘serpentine manner at 50 miles per hour’.

Nabigo si Odom sa field sobriety tests matapos patigilin ang kanyang sasakyan, ayon sa CHP.

Inilipat siya sa isang local police station at nagpiyansa ng $15,000 at nakalabas ng kulungan matapos ang tatlong oras.

Nagtala si Odom ng mga averages na 13.3 points, 8.4 rebounds at 3.7 assists per game sa kanyang 961-game NBA career.

 

Show comments