Bullpups pasok sa juniors finals

MANILA, Philippines - Tinalo ng National University ang Ateneo, 82-81, sa overtime para kumpletuhin ang 14-game sweep sa 76th UAAP juniors basketball tournament kamakala­wa sa Blue Eagle Gym.

Dahil sa naturang pagwalis sa eliminasyon ay aw­tomatikong umabante ang Bulldogs, nagkampeon no­ong 2011, sa finals kung saan nila dadalhin ang ‘thrice-to-beat’ advantage.

Naglista si John Cauilan ng 23 points at 13 rebounds, habang may 21 markers si Hubert Cani kasunod ang 18 ni Mark Dyke, humakot din ng 20 boards, para sa NU.       

Sa kabila ng kabiguan, hawak pa rin ng Ateneo ang No. 2 mula sa kanilang 11-3 card at tiyak nang kukuha ng ‘twice to beat’ bonus sa stepladder semifinals.

 

Show comments