MANILA, Philippines - Kumpiyansa si Floyd Mayweather Jr. na tataÂluÂnin niya si World BoÂxing Council light middleweight champion Canelo AlÂvarez sa Setyembre 14 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
Sinabi ng 36-anyos na si Mayweather (44-0-0, 26 KOs) na dalawang laban pa ang kanyang gagawin sa susunod na taon maÂtapos sagupain ang 23-anyos na si Alvarez (42-0-1, 30 KOs).
“After this fight, I’ll fight next May and then SepÂtember again,†wika ni Mayweather sa kanyang plano para sa 2014.
Para sa kanyang laban kay Alvarez, tatanggap si MayÂweather ng guaranteed purse na $41.5 milÂyon.
Ito naman ang magiÂging pinakamalaking laban sa boxing career ni AlÂvarez.
At alam ni MayweaÂther na magdadala ng ‘presÂsure’ sa kanyang saÂrili si Alvarez.
“We’ll just have to see. I think it’s a little different from fighting on Floyd Mayweather’s under Card to fighting Floyd Mayweather, so I think it’s a lot of pressure. We don’t really know,†sabi ni MayÂweather.