Malakas ang Power Over

MANILA, Philippines - Puno ng enerhiya na ku­marera ang kabayong Po­wer Over para maunsiyami ang bayang-karerista na nanalig na maiuuwi ang premyo sa second Win­ner-Take-All  noong Bi­yernes ng gabi sa San La­zaro Leisure Park sa Car­mona, Cavite.

Si EP Nahilat ang hi­nete ng pitong taong ka­bayo na anak ng Shoo­ting Star at Holy Toast at ku­mawala ito sa huling 50-metro sa 1,400-metro class division 1-A laban sa mga kasabayang How Did You Know at Krissy's Gift para sa panalo ng long shot na kabayo.

Ang Krissy’s Gift na ha­wak ni RM Ubaldo, How Did You Know na sa­kay si Pat Dilema at Sem­per Fidelis na iginiya ni Mark Alvarez ang mga na­paboran sa 10 na kaba­yong kumarera.

Ang Semper Fidelis at How Did You Know ang naunang nagbakbakan sa pagbubukas ng aparato, ha­bang nasa ikatlong puwesto ang Power Over.

Naubos sa kalagitnaan ng karera ang Semper Fi­delis at mula sa labas ay ru­meremate na ang Po­­­wer Over, habang bumu­mubulok sa balya ang Kris­sy’s Gift para maging three-horse race ang laba­nan pagpasok sa rekta.

Nagdiwang ang mga de­­hadista dahil pumalo sa P115.50 ang dibidendo sa win, habang P890.50 ang ina­­bot sa 8-4 forecast.

Dahil sa di inaasahang panalo, nagkaroon ng carryover ang 2nd WTA na nasa P1,048,984.83 at ito ay ikakarga sa pagbabalik ng karera sa Manila Jockey Club Inc.

 

Show comments