Letran at San Beda magpapalakas sa Final 4

MANILA, Philippines - Palalakasin ng Knights at ng three-time champions Red Lions ang kanilang mga tsansa para sa Final Four sa pagharap sa magkahiwalay na karibal.

Lalabanan ng Letran College ang nanganganib na Ma­pua ngayong alas-4 ng hapon, habang haharapin ng San Beda College ang Lyceum sa alas-6 ng gabi sa se­cond round ng 89th NCAA men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Tinapos ng Knights ang first round mula sa isang 74-67 panalo kontra sa Red Lions.

Pupuntiryahin ng Muralla-based ang kanilang pang-siyam na panalo laban sa Cardinals, nanggaling sa 80-89 kabiguan sa Emilio Aguinaldo Generals.

Muling aasahan ng Letran ni rookie coach Caloy Gar­cia sina 6-foot-7 Raymond Almazan, pointguard Mark Cruz at Kevin Racal sa pagharap sa Mapua ni men­tor Atoy Co.

Kasalukuyang nasa isang seven-game losing slump ang Cardinals.

Sa ikalawang laro, pipilitin naman ng San Beda na resbakan ang Lyceum na gumitla sa kanila, 66-70, no­ong Hulyo 24.

Matapos ang naturang panalo sa Red Lions ay na­ta­lo naman ang Pirates ng limang sunod na laro.

 

Show comments