Rising Suns napasakamay ang liderato sa V-League

MANILA, Philippines - Nagpatuloy ang ratsa­da ng Cagayan Province, habang tinapos naman ng Air Force ang kanilang lo­sing slump sa Shakey’s V-League Season 10 Open Con­ference kahapon sa The Arena sa San Juan Ci­­ty.

Isang set lamang pi­naglaro ng Lady Rising Suns ang mahusay na Thai spiker na si Kannika Thi­pachot dahil lahat ng gi­namit ni head coach Nestor Pa­milar ay nagpasikat pa­tungo sa 25-12, 25-12, 25-16 straight sets win kontra sa debutanteng Philippine Navy.

Sina Angeli Tabaquero at Aiza Maizo ay gumawa ng 13 at 12  puntos at nagsanib sa 22 kills upang higitan ang 18 attack points ng kalaban sa kabu­uan ng laro.

Tumapos ang Caga­yan taglay ang matinding 47 kills.

Tumagal lamang ng 61 minuto ang bakbakan da­hil hindi nakayang du­mepensa ng Navy Sailors bukod pa sa malamyang opensa nang wala ni isang manlalaro ang tumapos sa doble-pigura.

May tatlong aces at da­lawang blocks si JudyAnn Caballejo para sa 12 puntos, habang sina Joy Cases at Maika Ortiz ay may 18 kills para tulungan ang Philippine Air Force na kunin ang unang pa­nalo sa tatlong laro sa pa­mamagitan ng 25-20, 25-21, 25-19 tagumpay laban sa FEU sa unang laro.

Maayos ang itinakbo ng opensa ng Air Wo­men dahil sa mahusay na pa­glalaro ng setter na si Wen­dy Semana na may 22 excellent sets mula sa 57 attempts.

May 22 excellent sets din si Gyzelle Sy ngunit na­laglag pa rin ang Lady Ta­­maraws sa 0-3 karta.

 

Show comments