‘Pilay’ na Red Warriors sasagupa sa Bulldogs ngayon

MANILA, Philippines - Pinagtibay kahapon ng UAAP technical com­mittee ang naunang re­komendasyon ni Com­mis­sioner Chito Loyzaga na patawan ng two-game sus­pension si 6-foot-8 import Charles Mammie ng University of the East.

Dahil dito, maglala­ro ang Red Warriors na wala si Mammie bukod pa kay Lord Casajeros, na­patawan ng isang one-game suspension, laban sa National University Bulldogs ngayong alas-4 ng hapon sa second round ng 76th UAAP men’s basketball tournament sa Smart Ara­neta Coliseum.

Base sa nakita niya sa video, sinabi ni Loyzaga na iniwanan ni Mammie ng paa ang babagsakan ni Terrence Romeo ng Far Eastern University sa 84-88 double overtime loss ng UE noong nakaraang Linggo.

Sinuntok naman ni Ca­­sajeros si Romeo sa na­sa­bi ring laro.

Ang kabiguan ng Red Warriors ang magpapala­bo sa kanilang tsansa sa Fi­nal Four.

Nanggaling naman ang Bulldogs sa 75-61 pag­­giba sa University of Sto. Tomas Tigers.

Sa unang laro sa alas-2 ay magkikita ang Adamson University at ang University of the Philippines.

 

Show comments