MANILA, Philippines - Mapapanood ang mga labanan sa UÂltimate Fighting Championship sa PiÂlipinas sa susunod na taon.
Ito ang isiniwalat ni Ariel Helwani, ang journalist para sa MMAFighting.com at Fox Sports at host ng The MMA Hour, kaugnay sa pahayag ni UFC president DaÂna White.
“Dana (White) says they will hold a fight card in the Phl next year,†wika ni Helwani sa kanyang Twitter account na @arielhelwani.
Ikinatuwa naman ni Fil-Am Mark MuÂñoz, tinatawag na ‘The Filipino Wrecking Machine’ sa UFC, ang sinabi ni White.
“I love it,†sabi ni Muñoz sa kanyang Twitter.
Nauna nang ipinaramdam ni UFC Asia head Mark Fischer ang pagdadala ng UFC sa Maynila sa 2014 sa kanyang pagÂbisita sa bansa noong Abril.
“I’d like to remind everyone that this is no commitment but I predict, with help of good partners like ABS-CBN and Balls, fans and the media, the UFC will bring a fightcard to Manila in 2014,†wika ni Fischer.
Idinagdag pa ni Fischer na pursigido ang UFC na makuha ang Asian market sa pagsasabing “at least 10 fights in Asia in the next two years.â€
Sumunod sa Japan at China ang Pilipinas sa pagkakaroon ng mainit na pagtangkilik sa MMA (mixed martial arts).
“If you’re going to ask me, the Phl is ranked in the top three in the UFC’s Asian market next to Japan and Korea, countries which we all know have traditionally great fighters,†ani Fischer.
“Now we see talented fighters from the Phl knocking on our doors and we know there are going to be more Mark Muñoz in the UFC.â€