MANILA, Philippines - Ngayon pa lamang ay inamin na ni Gilas Pilipinas coach Chot Reyes na ‘hiÂmala’ na kung may taÂtaÂlunin silang koponan sa 2014 FIBA World Cup sa Spain.
Sinabi ni Reyes na mahihirapan ang Gilas Pilipinas sa isa man sa apat na koÂponang umabante sa seÂmifinal round ng kasaÂluÂkuyang 2013 FIBA AfroBasket sa Abidjan, Cote d’Ivoire (Ivory Coast).
“Very slim vs Angola, slim vs d other 3, but at least may chance,†wika ni Reyes sa kanyang Twitter account na @coachot kaÂhapon mula sa kanyang giÂnagawang scouting sa torÂneo sa Ivory Coast.
Maliban sa Ivory Coast, ang iba pang nakaÂpasok sa Final Four ay ang AnÂgoÂla, Egypt at Senegal.
Giniba ng Senegal ang Nigeria, 64-63; inilampaÂso ng Angola ang MorocÂco, 95-73; nilusutan ng Egypt ang Cape Verde, 74-73; at tinalo ng Ivory Coast ang Cameroon, 71-56, sa quarterfinals.
Nakatakdang sagupain kagabi ng Ivory Coast ang Angola, habang makakaÂhaÂrap ng Egypt ang SeneÂgal.
Ang dalawang kopoÂnang mananalo ang awtoÂmatikong makakakuha sa dalawa sa tatlong tiket paÂra sa 2014 FIBA World Cup sa Spain, habang ang ikatlo at huling puwesto ay pag-aagawan ng dalawang natalong tropa.
“Watching d Afro BasÂket games tells me 1 thing: this should be our next tune-up series: Tunisia, AnÂgola, Nigeria, CaÂÂmeÂroon, Cote d ‘Ivoire (Ivory Coast),†sabi ni Reyes.
Bukod sa Gilas Pilipinas, ang dalawa pang kaÂÂkatawan sa Asya sa 2014 FIBA World Cup ay ang Iran at Korea.