Gasol iniluklok na spokesman ng madrid para sa 2020 Olympics

MADRID -- Inihayag ng 2020 Olympic bid committee ng Madrid ang pagkakaluklok nila kay Los An­geles Lakers center Pau Gasol bilang isa sa kanilang spokesmen.

Sa isang statement noong Martes, sinabi ng com­mit­tee si Gasol, isa sa pi­nakasikat na atleta sa Spain at isang two-time Olym­pic silver medalist, ang magsasalita sa Inter­na­tional Olympic Com­mit­tee sa final presentation ng Madrid sa Buenos Aires sa Setyembre.

Hangad ng Madrid na makuha ang pamamahala ng 2020 Olympic Games.

Kaagaw ng Madrid ang Tokyo at Istanbul.

Ihahayag ng IOC ang kanilang desisyon sa Set­yembre 7.

Show comments