Pippen hindi makakasuhan dahil sa panununtok sa lasing

LOS ANGELES -- Hindi haharap si Scottie Pippen sa criminal char­ges dahil sa  pakikipag-away sa isang lalaki na si­­nabi ng awtoridad na la­sing nang humingi ng au­tograph at litrato sa da­ting Chicago Bulls star at nag­kunwaring nagsuka nang sun­tukin siya ni Pippen sa mukha.

Sinabi ng Los Angeles County district attorney’s of­fice noong Martes na ku­lang ang mga ebidensya  para sampahan ng deman­da si Pippen dahil sa pakikipag-away kay Camran Sha­fighi saNobu, isang restaurant at celebrity hangout sa beach sa Malibu.

Naghahapunan si Pippen kasama ang kanyang pa­milya noong Hunyo 24 nang lapitan siya ni Shafighi sa loob ng restaurant.

Pinagbigyan ni Pippen si Shafighi na magpakuha ng litrato at matapos ito ay sinundan siya ni Shafighi sa parking lot.

Muli siyang humingi ng autograph mula kay Pippen, may anim na NBA titles katuwang si Michael Jordan para sa Bulls, ngunit tumanggi ang dating player.

Sinabi ni Pippen sa mga imbestigador na nainis sa kanya si Sha­fighi, ‘grabbing at him, cursing him and then spit in his face,’’ ayon sa isang report ng district attorney’s office.

Sinabi ng 49-anyos na si Shafighi na sinuntok siya sa bibig ni Pippen at ilang beses na sinipa.

 Inamin ni Pippen na dinuraan niya si Shafighi at iti­nulak, ngunit sinabi ng prosecutors na hindi malinaw kung dumepensa lamang sa kanyang sarili si Pippen.

Nagsampa si Shafighi ng isang $4 million lawsuit la­ban kay Pippen.

 

Show comments