Jamison lilipat sa Clippers mula sa L.A. Lakers

LOS ANGELES -- Mula sa paglalaro para sa Los Angeles Lakers ay lilipat naman si Antawn Jamison sa Los Angeles Clippers.

Nakatakdang lumagda si Jamison ng veteran’s mi­nimum salary na aabot sa $1.4 milyon.

“Ready to come and help out as much as possible, and hopefully I’m the piece that can take us to the top,” wi­ka ni Jamison sa Los Angeles Times.

Nagtala ang 37-anyos na si Jamison ng mga ave­rages na 9.4 points at 4.8 rebounds para sa Lakers no­ong nakaraang season.

Para sa kanyang 15-year career, nagposte si Ja­mison ng mga averages na 18.8 points at 7.6 rebounds.

Sa kanyang paglalaro para sa Washington Wizards, napili siya sa All-Star Game noong 2005 at 2008.

Naglaro ang fourth overall pick noong 1998 NBA Draft ng limang seasons para sa Golden State Warriors at isa sa Dallas Mavericks bago ang kanyang 5 1/2-year run sa Washington.

Dalawa at kalahating taon siyang kumampanya pa­ra sa Cleveland Cavaliers bago pumirma sa Lakers bi­lang isang free agent noong nakaraang taon.

Sumailalim si Jamison sa isang right wrist surgery at inaasahang makakalaro ng maayos.

Show comments