MANILA, Philippines - Isang sprained ankle injury ang nalasap ni Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao habang naglalaro ng basketball noong Sabado.
Sinabi ni Pacquiao na hindi siya nakapagsuot ng ankle support kaya siya nagkaroon ng injury.
“Hindi kasi ako naka-suot ng ankle support,†sabi ni Pacquiao sa panayam ng ABS-CBN News.
Nauna nang pinangambahan ni chief trainer Freddie Roach ang pagkakaroon ng injury ni Pacquiao sa tuwing maglalaro ito ng basketball bago simulan ang kanilang training camp.
Bukod sa paglalaro ng basketball, sinimulan na rin ni Pacquiao ang pagtakbo tuwing umaga bilang pagÂhahanda sa kanilang upakan ni Brandon ‘Bam Bam’ Rios.
Magsisilbing sparring partners ni Pacquiao sina flyweight Zou Shiming (1-0-0) at lightweight Yang Lian Hui (13-0-0, 9 KOs) ng China at light middleweight Liam Vaughan (8-1-0, 2 KOs) ng Great Britain.
Isang buwan ang magiging training camp ni Pacquiao sa General Santos City at ang huling dalawang linggo ay gagawin nila ni Roach sa Macau, China.
Lalabanan ng 34-anyos na si Pacquiao (54-5-2, 38 KOs) ang 27-anyos na si Rios (31-1-1, 23 KOs) sa isang non-title, welterweight fight sa Nobyembre 23 sa The Venetian sa Macau, China.
Ito ang magiging unang laban ni Pacquiao matapos matalo ng dalawang beses noong nakaraang taon.
Nabigo si Pacquiao kay Timothy Bradley, Jr. via split decision noong Hunyo 9 kasunod ang pagbagsak niya sa mga kamao ni Juan Manuel Marquez sa sixth round noong Disyembre 8, 2012.