Smart Net Spikers puntirya ang ikaapat na sunod na pananalasa

MANILA, Philippines - Muling mapapalaban ang Smart sa pagharap sa matikas na Cagayan, ha­­­bang pilit na babangon ang Meralco sa pagsukat sa FEU sa pagpapatuloy ng Shakey’s V-League Sea­son 10 Open Confe­rence ngayong hapon sa The Arena sa San Juan Ci­ty.

Ikaapat na sunod na pa­nalo ang mapapasa­kamay ng Net Spikers sa­kaling magwagi sa Ri­sing Suns sa unang laro sa ganap na alas-2 ng hapon.

Patuloy na naglaro ga­mit ang pitong players ang Smart pero hindi nati­nag ang determinasyong ma­natiling nasa itaas ng team standings ang koponan nang talunin ang Meralco, 22-25, 25-20, 25-17, 27-25, noong Linggo.

Ang ikaapat na panalo ang maglalagay sa tropa ni coach Roger Gorayeb sa playoff para sa puwes­to sa quarterfinals.

Hindi pa makakalaro sa Smart sina Alyssa Valdez at Dindin Santiago na sa nagdaang tagisan ay nakita sa bench ng kopo­nan.

Bunga nito, aasa pa rin ang koponan sa magandang pagtutulungan mula kina Sue Roces, Maru Ba­­naticla, Charo Soriano, Ru­bie de Leon, Gretchel Sol­tones, Mica Guliman, Jem Ferrer at Melissa Go­hing.

Sa kabilang banda, ang Rising Suns na pu­mangalawa noong naka­raang taon, ay maghaha­ngad na dugtungan ang  25-22, 17-25, 25-14, 25-19 panalo sa Philippine Air Force.

Ipaparadang muli ng Ca­­ga­yan ang mga Thai im­ports na sina Kannika Thi­pacho at Phomia Soraya upang makatuwang ng mga locals na sina Angeli Ta­baquero, Aiza Maizo, Joy Benito at setter Relea Saet.

Asahan naman na la­labas muli ang tikas ng Power Spikers sa pag­harap sa La­dy Tamaraws sa ikala­wang laro sa alas-4 ng ha­pon.

Paborito ang Meralco dahil mas may karanasan ang kanilang manlalaro tu­lad nina Stephanie Mer­ca­do, Fille Cainglet at Mau­reen Ouano bukod pa kay 6-foot-3 Chinese import na si Coco Wang.

Ang laro ng Army at Air Force ay mapapanood  ngayong ala-1 ng hapon sa GMA News TV Channel 11.

 

Show comments