Coach Chot nag-i-scout ng makakalaban ng Gilas

MANILA, Philippines - Ngayon pa lamang ay gu­magawa na ng scou­ting report si head coach Chot Reyes para sa mga ko­po­nang posibleng makatapat ng Gilas Pilipinas sa 2014 FIBA World sa Spain.

Kasalukuyang nag-o­obserba ng mga laro si Re­­yes sa Ivory Coast kung saan idinadaos ang 2013 FIBA Africa Men’s Championships.

Isa ang Egypt sa mga ko­ponang hinangaan ni Re­yes kung saan nagla­laro si Assem Marei.

“Egypt giving Ivory Coast all it could handle. This kid Marei of Egypt is a stud! IC jst too tall & ath­letic!,” wika ni Reyes sa 6-foot-8 na si Marei.

Ang Egypt ay may 0-3 record sa Group A sa ila­lim ng Ivory Coast (3-0) at Senegal (2-1).

May 3-0 kartada rin ang Angola sa Group C at may 2-0 baraha ang Ca­me­roon sa Group D.

Kagaya sa nakaraang 27th FIBA-Asia Men’s Cham­pionships na idinaos sa Mall of Asia Arena sa Pasay City, tatlong ti­ket rin ang nakalatag sa FI­BA Africa Championships patungo sa 2014 FI­BA World.

Maliban sa host Spain, ang iba pang nakakuha na ng tiket para sa 2014 FI­BA World ay ang United States, Iran, Pilipinas, Ko­rea, Australia at New Zea­land.

Ang Iran, Pilipinas at Korea ang nanguna sa FIBA-Asia, samantalang ang Australia at New Zea­land ang namuno sa FI­BA-Oceania Cham­pionships.

Tinalo ng Iranians, iti­nampok si 7’2 Hamed Ha­dadi, ang Nationals sa gold medal round ng 2013 FIBA-Asia Cham­pin­ships.

May plano ang Samahang Basketbol ng Pilipinas na kumuha ng isa o da­lawang foreign player pa­ra makatuwang ni 6’11 naturalized center Marcus Douthit.

Matatandaang hindi na­­kalaro ang 33-anyos na si Douthit sa second half sa semifinal game ng Pili­pi­nas at Korea.

Sa kabila nito, tinalo pa rin ng Nationals ang Ko­reans para kunin ang ika­lawang tiket sa 2014 FI­BA World.

 

Show comments