Thomas kinuha uli ng Pelicans, idinagdag si Onuaku

METAIRIE, La.  – Muling napapirma ng New Orleans Pelicans si forward Lance Thomas at idinagdag si forward Arinze Onuaku ngunit hindi inihayag ng team ang terms ng kontrata.

Ang 6-foot-8 na si  Thomas, dating Duke standout, ay lumaro ng 101 games sa New Orleans, kabilang ang 19 starts, sa kanyang unang dalawang  NBA seasons.  Noong nakaraang season, naging starter siya sa nine games at nag-average ng 2.5 points at 1.9 rebounds sa 59 appearances.

Ang 6-foot-9 na si Onuaku ay dating Syracuse player na lumaro ng dalawang seasons sa NBA Development League. Naging starter siya sa 32 games noong nakaraang season para sa Canton kung saan nag-average ito ng 12.6 points at 9.5 rebounds sa 23.7 minutes per game.

 

Show comments