San Miguel Corporation tumulong din

MANILA, Philippines - Katulad ng ibang kumpanya at grupo, tumulong din ang San Miguel Corporation (SMC) sa mga biktima ng  malawakang pagbaha.

Nag-donate ang SMC sa pamamagitan ng kanilang San Miguel Foundation ng 3,000 cases ng bottled water, mahigit 1,500 kahon ng de lata at  kape para sa mga binaha sa Parañaque, Laguna at Cavite pro-vinces. Nakinabang ang mahigit 30,000 pamilya sa donasyon.

Sa Rosario, Cavite, nag-donate din ang Petron Foundation ng relief goods para sa 2,000 pamilya.

Ayon sa kumpanya, tulung-tulong ang kanilang mga tauhan para sa relief efforts. Aktibo na ang kanilang disaster response teams na binubuo ng mga   volunteer employees ng  San Miguel Group.

 

Show comments