Ilang venues sa Rizal Memorial nasira ng baha

MANILA, Philippines - Nasira ang ilang venue sa Rizal Memorial Sports Complex bunga ng mala­wa­kang pagbaha dahil sa hanging habagat at ng bag­yong ‘Maring’.

Sinabi ni Boy Dinglasan, ang acting property de­partment chief ng Phi­lip­pine Sports Commission, na nagkaroon ng si­ra ang Rizal Memorial Co­liseum, Ninoy Aquino Sta­dium, Gymnastics at ang Badminton Centers.

At posibleng manga­ilangan ito ng major repair.

Ang venue na pinaka­ma­laki ang sira ay ang Ni­noy Aquino Stadium, na­tuklap ang maple flooring dahil sa baha.

Samantala, naalis na ng PSC ang tubig-baha mu­la sa basketball at vol­ley­ball venues kasama na di­to ang Ninoy Aquino Sta­dium.

Ang pagbaha ay bu­nga na rin ng palpak na drai­nage system sa mga kal­sada ng Adriatico at Vito Cruz, Manila.

“Yes, the poor drai­nage was one of the cau­ses. Also, the Vito Cruz was used to be a lower ground than the Rizal com­plex, now its the o­ther way around,” wika ni Dinglasan.

Show comments