Garcia pinatawan ng one-game suspension

MANILA, Philippines - Pinatawan ng isang one-game suspension ng pa­munuan ng UAAP si RR Garcia ng FEU matapos tawagan ng kanyang ika­lawang unsportsmanlike foul sa huling laro la­ban sa La Salle.

Pinituhan ng USF si Gar­cia nang sikuhin si Jaerlan Tampus ng Green Archers habang bu­mu­buslo para sa automa­tic one-game  suspension na siyang nakasaad sa batas ng liga.

Ang 2010 MVP na si Garcia ay naghahatid ng pumapangalawang 13.89 puntos, 3.89 rebounds, 2.89 assists at 1.22 steals ave­rages matapos ang siyam na laro.

Sunod na makakala­ro ng Tamaraws ay ang UE Red Warriors sa Linggo at kailangan ni FEU mentor Nash Racela na makaha­nap ng manlala­rong papalit sa puwesto ni Garcia para mawakasan ang dalawang sunod na pag­katalo matapos ang 7-0 kar­ta sa first round.

Hindi naman isang man­lalaro lamang ang n­ais ni Racela na makitang bumuno sa ibinibigay ni Garcia kundi mas ma­ganda kung lahat ng ga­gamitin niya sa susunod na laban ay makaka­pag-ambag.

“We have to show our collective effort if we want to win against UE,” wi­ka ni Racela.

Mahalaga ang maku­ku­hang panalo dahil mahigpitan ang labanan sa unang dalawang puwesto na mabibiyayaan ng aw­to­matikong puwesto sa Fi­nal Four.

Show comments