MANILA, Philippines - Panalong nakuha sa ikatÂlo at huling yugto sa 2013 Philracom Triple Crown Championship ang nakatulong para maÂbawi ng Spinning Ridge ang ikalawang puwesto sa hanay ng winningest horse matapos ang buwan ng Hulyo.
Dinomina ng Spinning Ridge na ginabayan ni John Alvin Guce, ang nasaÂbing karera na pinagÂlabanan sa 2000-metro paÂra maibulsa ang P1.8 milÂyon na unang gantimpala.
Ikaapat na panalo ito ng kabayo bukod sa dalawang tersero puwesto at ang halagang naipasok ay nagpasok sa Spinning Ridge ng P3,961,541.19 kiÂta.
Hindi naman natitinag ang Hagdang Bato na kaÂhit ipinahinga sa nagdaaÂng buwan ay walang naÂkaabot sa naipundar na P4,420,000.00 premÂyo matapos ang tatlong takÂbo.
Ang Diving Eagle na naÂkabuntot sa Hagdang BaÂto matapos ang buwan ng Hunyo pero ipinahinga ng connections sa buwan ng Hulyo, ay bumaba sa ikatlong puwesto sa P2,219,160.68 kinita mÂaÂtapos ang apat na panalo at isang segundo.
Nanatili ang Be Humble at Jazz Connection sa ikaapat at limang puwesto at ang Be Humble ay mayÂroon ng P1,856,086.36 sa tatÂlong panalo, tatlong seÂgundo at isang kuwarto puÂwesto pagtatapos, habang ang Jazz Connection na nanalo ng isang takbo ay may P1,729,689.91 kinita na sa anim na panalo, 2 segundo at 6 na tersero puwestong pagtatapos.
Hindi rin natinag ang Show Me The Money, Snake Queen at Esprit De Corps sa ikaanim hangÂgang ikawalong puwesÂto, habang ang Esprit De Corps ang nalagay sa ikaÂ-siyam na puwesto na daÂting okupado ng BarkÂley na bumaba sa pang-samÂpung puwesto.
Nanatili ang kita ng Show Me The Money sa halagang P1,364,302.03 (8-6-2-1) at El Libertador sa P1,350,000.00 (2-1) daÂhil hindi ito tumakbo sa nagÂdaang buwan.