MANILA, Philippines - Winakasan ng University of Sto. Tomas Tigresses ang isang 26-game winning streak ng Far Eastern University Lady Tamaraws sa 76th UAAP women’s basketball tournament.
Umiskor ang Tigresses ng 61-58 panalo laban sa Lady Tamaraws noong Linggo sa Mall of Asia Arena.
Huling nakalasap ng kabiguan ang FEU belles sa Adamson University Lady Falcons, 56-60, sa Game One ng best-of-three championship series noong SetÂyembre 24, 2011.
Ang 26 sunod na panalo ng Lady Tamaraws ang pinaÂkamahabang winning streak sa kasaysayan ng UAAP women’s basketball tournament.
Tumipa si Lore Rivera ng dalawang free throws sa huling 12.2 segundo para sa naturang panalo ng Tigresses sa Lady Tamaraws.
Humakot si Maica Cortes ng 20 points at 13 rebounds, habang naglista si Marian Mejia ng 11 points at 13 boards para sa UST na may 5-4 record.
Naiganti ng Tigresses ang kanilang 51-52 kabiguan sa Lady Tamaraws (9-1) sa first round.
Nakasalo ng Lady Tamaraws sa liderato ang Lady Bulldogs ng National University, umiskor ng 68-61 panalo laban sa UP Lady Maroons.