MANILA, Philippines - Kinuha ng nagdedepenÂsang kampeon na St. Clare College-CaÂloocan ang ikalawang sunod na panalo nang pataubin ang Rizal TechÂnological University, 71-53, sa 13th National AthleÂtic Association of Schools, Colleges and UniÂversities (NAASCU) seniors basketball noong Linggo sa Centro Escolar University-Manila Gym.
Si guard Bong Managuelod ay gumawa ng 14 puntos habang sina Marte Gil at Jayson Ibay ay nagdagdag ng 13 at 11 puntos para sa Saints na kumawala sa ikalawang yugto tungo sa tagumpay.
May 17 puntos si Reneil Montecillo para balikatin ang baguhang Blue Thunder na nalaglag sa 1-2 baraha.
Patuloy naman ang paÂngunguna ng CEU ScorÂpions nang tusukin ang ikatÂlong dikit na panalo sa City University of Pasay, 96-49, sa isa pang laro.
Naunang nakalayo ang Eagles, 8-3, pero nagpaÂkawala ng 11-2 bomba ang Scorpions para kunin ang 14-10 kalamangan.
Nagtuwang pa sina SamÂboy de Leon at Joseph Celso para ibigay sa Scorpions ang pinakamalaking kalamangan sa laro na 89-42.
Si Celso ay may 18 punÂtos habang si De Leon ay naghatid ng 14 para sa nanalong koponan.
Nagwagi rin ang Our Lady of Fatima University sa Polytechnic University of the Philippines (PUP), 79-69, sa ikatlong seniors game.
Nagdaos din ng aksyon sa juniors at namayani ang CEU sa New Era, 83-41, habang nagwagi ang Our Lady of Fatima sa St. Clare, 59-47.