(Smart Araneta Coliseum)
5:15 p.m. Talk ‘N Text vs Barako Bull
7:30 p.m. Meralco vs Petron
MANILA, Philippines - May pitong bagong players at isang bagitong import ang Globalport.
Sa kabila nito, naibaon pa rin ng mga Batang Pier ang Air21 Express sa 17-points sa second quarter tungo sa kanilang 101-94 panalo sa pagsisimula ng 2013 PBA Governor’s Cup kagabi sa MOA Arena sa Pasay City.
“We’re just getting on building chemistry,†sabi ni coach Junel Baculi. “I told the boys that we have seven players and one import, so half of the team is new.â€
Kumolekta si import Markeith Cummings ng 37 points, 11 rebounds at 3 steals sa kanyang debut game sa PBA.
Kasalukuyan pang nag-lalaro ang nagdedepensang Rain or Shine at ang San Mig Coffee habang isinusulat ito.
Samantala, ipinarada ng PBA sa halftime ang mga miyembro ng Gilas Pilipinas na kumuha ng silver medal sa katatapos na 27th FIBA-Asia Men’s Championships. (RCadayona)
Globalport 101 - Cummings 37, Washington 15, Belencion 14, Miller 10, Lingganay 8, Mercado 8, Hayes 6, Salvador 2, Yee 1, Buensuceso 0, taha 0, Nabong 0, Alonzo 0.
Air21 94 - Graham 31, Canaleta 19, Isip 13, Menor 9, Sharma 8, Arboleda 7, Sena 2, Custodio 2, Cortez 2, Omolon 1, Manuel 0.
Quarterscores: 24-20; 53-42; 78-68; 101-94.