MANILA, Philippines - Patitikasin pa ng FEU ang kanilang kinalulugaran sa tuktok ng team stanÂdings sa pagsukat uli sa lakas ng National University sa pagpapatuloy ng 76th UAAP men’s basÂketball ngayon sa Smart Araneta Coliseum.
Dalawang linggo na naÂpahinga ang liga dahil sa 27th FIBA-Asia Men’s Championships at kahit giÂÂnamit ng walong kopoÂnan ang bakasyon para mas maÂpaghandaan ang seÂÂcond round, hindi naman maÂtiyak ni Tamaraws menÂtor Nash Racela kung naÂkabuti ba ito o hindi sa kanyang mga alipores.
“I’m not really sure if the break is helpful to us. Only the results of the games will tell,†wika ni Racela na isa sa assistant coach ni Gilas coach Chot Reyes na nanalo ng pilak sa FIBA-Asia paÂra makapuwesto ang PiÂlipinas sa 2014 World Championships sa MadÂrid, Spain.
Hindi natalo ang FEU sa pitong laro matapos ang first round upang magÂkaroon ng tatlong laÂrong agwat sa mga nasa ikaÂlawang puwesto na NU, UST at UE.
“All the teams are going after us and I just hope we can get this win to keep our advantage,†ani RaÂcela.
Sina Terrence Romeo at RR Garcia ang mga maÂmumuno sa Tamaraws na pilit na isasantabi ang lakas ng Bulldogs na magÂmumula kay Bobby Ray Parks Jr.
Si Parks na naghahatid ng 18.9 puntos, 9.4 reÂbounds at 4.4 assists ay daÂpat ding makakuha ng suporta sa ibang kasamahan para mas gumanda ang tsansang mabawian ang FEU.
Tampok na laro ito at mapapanood matapos ang sukatan ng lakas ng La Salle at host Adamson sa ganap na ika-2 ng hapon.
Nailusot ng Green Archers ang 70-67 panalo sa Falcons noong Hulyo 24, isang laro na nagresulta ng pagkakasuspindi ni reÂferee Francisco Olivar maÂtapos ang kuwestiyonableng unsportsmanlike foul kay Gian Abrigo sa huÂling 15.9 segundo na nagÂbigay ng bentahe sa Green Archers.