Nagbunga ang 2 taong paghihintay ni Hadadi

MANILA, Philippines - Nasulit ang dalawang taong paghihintay ni Hamed Hadadi nang manalo uli ang Iran sa pinaglabanang 27th FIBA Asia Men’s Championships sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Inanim ng  7’2” center ng Iran na kinimkim niya sa mahabang panahon ang pagkatalo ng kanyang koponan sa Jordan sa quarterfinals noong 2011 edisyon sa Wuhan, China kaya’t nakakahinga na siya ng maluwag nang mahawakan uli ang titulo sa FIBA Asia.

“I really wanted the championship. The 2011 loss, it was an accident. The last two years, I’m thinking of the loss to Jordan and watched the game ten times thinking what happened in that game. I can’t wait to get in this championships to beat everybody,” wika Hadadi na pinangunahan ang koponan sa titulo noong 2007 at 2009 sa Tokushima, Japan at Tianjin, China.

Nagkita ang dalawang koponan sa quarterfinals at walang awang dinurog ng pangkat ni Hadadi ang Jordan, 94-50, para patalsikin ang nakaribal na puma-ngalawa sa China sa Wuhan.

Sa kabuuan ay hindi natalo ang Iranians sa siyam na laro at ang kanilang winning margin sa 11-araw na torneo ay 32.3 puntos.

 

Show comments