Sixers may bagong coach

PHILADELPHIA -- Inalok ng 76ers si Brett Brown ng coaching job.

Kinakausap pa ni Brown, isang assistant coach sa San Antonio Spurs, ang Philadelphia kaugnay sa kanyang matatanggap na kontrata, ayon sa Yahoo! Sports.

Matapos magbitiw si Doug Collins bilang coach no­ong Abril ay patuloy na naghanap ang Sixers ng ba­go nilang mentor.

Tinulungan ni Brown ang Spurs na makarating sa NBA Finals noong nakaraang season kung saan sila natalo sa two-time champions Miami Heat, 3-4.

Makakasama ni Brown sa Philadelphia ang bagong general manager na si Sam Hinkie.

Nabigo ang 76ers na makaabante sa postseason no­ong nakaraang season matapos mangulelat sa Atlantic Division isang taon makaraang makapaglaro sa Eas­tern Conference semifinals.

Ang 52-anyos na si Brown ay naging bahagi ng tat­long NBA title teams ng San Antonio.

 

Show comments