Laro Ngayon
(Ynares Sports Arena, Pasig City)
2:30 p.m. Congress-LGU vs PhilHealth
4:00 p.m. DOJ vs Judiciary
5:30 p.m. AFP vs PNP
MANILA, Philippines - Haharapin ng Congress-LGU ang PhilHealth, habang makakalaÂban ng AFP ang PNP sa pagÂÂbabalik ng hostilidad sa 1st UNTV Cup ngayon sa Ynares Sports Arena sa PaÂsig City.
Pare-parehong nagÂmuÂÂla sa panalo ang nasaÂbing apat na koponan sa ligang inorÂganisa ng Breakthrough and Milestones Production International (BMPI) sa ilalim ni Chairman at CEO Daniel Razon.
Patutunayan ni televiÂsion personality Ervic ViÂjandre na hindi tsamba ang ginawa niyang 38 points sa 99-95 panalo ng Congress-LGU kontra sa JuÂdiciary noong nakaraang Linggo sa muling pagÂgiya sa koponan ni plaÂying coach Gerry EsÂplaÂna laban sa Philhealth ngaÂyong alas-2:30 ng haÂpon.
Magtatagpo sa alas-5:30 ng hapon ang AFP at ang PNP matapos ang banggaan ng Judiciary at DOJ sa alas-4.