MANILA, Philippines - Pumirma si Manny Pacquiao ng kontrata bilang pagpayag sa Olympic-style random blood at urine testing na nauna nang hiniling sa kanya ni Floyd Mayweather Jr. sapul pa noong 2010.
Ang pagsailalim ni Pacquiao sa nasabing pro-seso ay bahagi ng kanilang kasunduan ni Brandon ‘Bam Bam’ Rios para sa pagkikita nila sa Nobyembre 23 sa The Venetian sa Macau, China.
Ang naturang blood at urine testing ay isasagawa ng Voluntary Anti-Doping Association.
Sinabi ni Pacquiao na wala siyang itinatagong anumang performance enhancing drugs (PEDs) sa katawan kaya siya pumayag na sumailalim sa VADA testing.
“VADA seems like the most legit one out there, and so I do support that,†sabi ni chief trainer Roach. “We have nothing to hide.â€
Kinumpirma ni Dr. Margaret Goodman ng VADA sa Yahoo! Sports ang kabayaran para sa testing kina Pacquiao at Rios.
Ang pininirmahang kontrata ni Pacquiao ay nasa Top Rank Promotions na at isusumite sa VADA.
Ang pagsailalim sa nasabing blood at urine testing ang isa sa mga naging dahilan ng pagbagsak ng negosasyon para sa mega fight nina Pacquiao at Mayweather noong 2010 hanggang noong nakaraang taon.
Dahil dito, inakusahan ni Mayweather si Pacquiao na gumagamit ng PEDs sa kanyang mga laban.
Samantala, hindi na nagulat si Alex Ariza sa pagsibak sa kanya ni chief trainer Freddie Roach bilang strength and conditioning coach ni Manny Pacquiao. “It didn’t come as too much of a shock, because over the course of the last couple of fights, obviously, Freddie and I were having differences.