MANILA, Philippines - Malalaking karera ang magpapakinang sa gaganaping 5th Mayor Ramon Bagatsing Memorial Cup sa Agosto 18 sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Ang karerang ito ay bahagi sa paggunita ng ika-97 kaarawan ng nasirang mayor na kilala rin bilang isang horseman noong kanyang kapanahunan.
“Malalaking karera na katatampukan ng mga stars sa horse racing ang mangyayari sa araw na ito and I guarantee its gonna be an exciting racing and MJCI will give you a great time,†wika ni Atty. Ramon Bagatsing Jr., anak ng dating Mayor na dumalo sa PSA Forum sa Shakey’s Malate.
Tampok na karera ay ang dalawang Bagatsing Cup at ang una ay para sa mga apat na taong gulang pataas at maglalaban sa 1,700-metro distansya habang ang ikalawa ay para sa mga imported horses na gagawin sa 1,400-metro distansya.
Sinahugan ang Bagatsing Cup I ng P700,000.00 kabuuang gantimpala habang P400,000.00 ang paglalabanan sa Division II.
Isasabay rin ang pagtakbo ng PCSO Grand Derby para sa mga kabayong sumali sa Sweepstakes races habang ang Resorts World Manila, Solaire Resort and Casino at Tiger Resort and Leisure ay maglalagay ng mga karerang may malalaki ring premyong paglalabanan.
Makikinabang din ang mga sota dahil may prem-yong P2,000.00 bukod pa sa ibang premyo ang nakalaan sa kanila.
“Our father had a soft spot for the humble folk of racing like the grooms and stewards and we hope to carry on his legacy in staging this annual event in his honor,†dagdag ni Bagatsing.
Sina Nathan Maso at Cecil Villanueva na mga marketing officers ng host na MJCI ay dumalo rin at sinabi nilang inaasahan ng club na makagawa ng bagong record sales dahil sa patuloy na pagtaas ng kita sa huling dalawang taon.
“We made P35 million in 2011 and P39 million in 2012. For this year, we are hoping to break the P40 million mark,†wika ni Maso.
Para mangyari ang target, hiniling ni Bagatsing sa mga mananaya na tumaya lamang sa mga lehitimong off-track betting stations para matiyak na sa pamahalaan mapupunta ang kanilang mga ibinabayad.
Ang Philippine Racing Commission (Philracom) ang isa sa sponsors ng Bagatsing Cup bukod pa sa Red Bull, Andoks, San Juan Coliseum, San Miguel Corporation, Smart Communications at Rep. Albee Benitez.
Ang kikitain ng pakarerang ito ay ibibigay naman sa Kabalikat ng Bayan sa Kaunlaran Foundation (KABAKA) na itinatag ng nakatatandang kapatid ni Atty. Bagatsing na si Rep. Amado Bagatsing ng fifth district ng Manila.