Camby pumirma sa Rockets

MANILA, Philippines - Nakipagkasundo na si free-agent center Marcus Camby para pumirma sa Houston Rockets, ayon sa source ng Yahoo! Sports.

Lumaro si Camby sa Rockets noong 2011-12 season at nagpahinga doon. Makakasama siya ng dalawang sentro sa Houston na sina Dwight Howard at Omer Asik.

Naghanap si Camby ng team na title contender at sa Rockets siya napunta.

Binili ng Toronto Raptors ang kontrata ni Camby na may dalawang taon pa matapos makuha si Andrea Bargnani mula sa trade sa New York Knicks.

Ang 38-gulang na si Camby, ay lumaro sa Knicks noong nakaraang season at nag-average lamang ng career-low na 1.8 points.

Nagkainteres din sa kanya ang Los Angeles Clippers at Chicago Bulls.

 

Show comments