MANILA, Philippines - Nakita ang husay ng Matang Tubig na sakay jockey CV Garganta nang kunin ang 2013 Philracom 1st Leg Juvenile Colts Stakes race noong Sabado sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Wire-to-wire ang naitalang panalo ng tambalan at sa huling 75 metro sa 1,000-meter sprint race tuluÂyang buÂmuhos ang Matang Tubig para iwanan ang apat pang nakalaban sa tampok na karera para sa mga edad daÂlawang taong kabayong colts.
Ang Proud Papa at High Grader ang naunang nakaÂsabayan ng Matang Tubig pero pagpasok sa huling kurÂbada ay ang High Grader na sakay si Val Dilema ang naghahabol, habang rumeremate ang Young Turk na nanalo sa PCSO Special Maiden Race.
Ngunit may lakas pa ang Matang Tubig upang maÂiÂsantabi ang lakas ng High Grader bago pumasok sa meÂta ang Young Turk na ginabayan ni Jessie Guce.
Halagang P300,000.00 ang napasakamay ng connections ng Matang Tubig.
Nakontento sa P112,500.00 ang High Grader, habang P62,500.00 ang naibulsa ng may-ari ng Young Turk na dati ay ginagabayan ni Jonathan Hernandez.
Ang Proud Papa ang pumang-apat para iuwi ang P25,000.00 premyo.
Dehado ang nanalong kabayo para magpasok ng P41.00 sa win, habang P130.00 ang dibidendo sa forecast na 3-2.
Ang pinakadehadong kaÂbayo na kuminang sa baÂÂkuran ng Philippine RaÂcing Club Inc. (PRCI) ay ang kabayong GogoÂsnakegosnakego sa class diÂvision 1B na race four.
Si JE Apellido ang hiÂnete ng kabayong pag-aari ni Bienmvenido Niles Jr. na tumulin pagsapit sa rekta para talunin ang naÂunang nagdikta ng pacing na Kashmira
Nakabawi ang GogoÂsnakegosnakego sa hindi maÂgandang ipinakita sa naÂunang tatlong takbo sa buÂwan ng Hulyo at nagpasok ng P83.50 sa win.
Mas magandang P260.00 ang dibidendo sa 4-5 forecast.
Lumabas bilang piÂnaÂkaÂliyamadong kabayo ay ang NurÂture Nature at Bringer Of Rain sa races two at eight.
Pumangatlo sa ikatlo at huling yugto ng Philracom Hopeful Stakes race, tinalo ng Nurture NatuÂre ang Laguna sa 3YO Handicap Race.