Scola nasikwat ng Pacers

INDIANAPOLIS -- Tuluyan nang nakuha ng Pa­cers si Phoenix Suns power forward Luis Scola mula sa isang trade.

Ibinigay ng Pacers sina center Miles Plumlee at for­ward Gerald Green kasama ang isang lottery-protected 2014 first-round pick sa Suns bilang kapalit ng 33-anyos na si Scola.

Makakasama ng 6-foot-9 at 245-pounder na si S­cola sa frontline ng Indiana sina Roy Hibbert at David West.

Nagtala si Scola ng mga averages na 12.8 points at 6.6 rebounds per game noong nakaraang season para sa Suns.

Bago naglaro sa Suns ay kumampanya muna si Sco­la ng limang seasons para sa Houston Rockets.

 

Show comments