MANILA, Philippines - Hindi binabalewala ni Gilas coach Chot Reyes ang mga kakayahan ng Japan at Chinese-Taipei sa 27th FIBA-Asia Men’s Championships.
“I’m not overlooking Japan and Chinese Taipei. Taipei is now really strong because of Quincy Davis. They’re like Kazakhstan which has become a lot better beÂcause of the addition of a player (naturalized point guard Jerry Johnson) that they need,†wika ni Reyes.
Sinabi pa ni Reyes na ang Gilas, Korea, Jordan, QaÂtar, Kazakhstan, Japan at Chinese Taipei ay ang mga koponang maaaring tumalo sa isa’t isa.
Maliban sa nagdedepensang China at two-time chamÂpion Iran, inaasahan ding makikipagsabayan ang GiÂlas Pilipinas, Jordan, South Korea, Qatar, KazakhsÂtan, Japan at Chinese Taipei sa 27th FIBA-Asia Men’s Championships.
Sinabi ni Reyes na paborito pa rin ang China at Iran sa FIBA-Asia meet na nakatakda sa Agosto 1-11 at laÂlaruin sa MOA Arena sa Pasay at sa Ninoy Aquino StaÂdium sa Manila.
“Obviously, Iran and China are head and shoulder above anybody else in the competition. And I think we’re in equal footing with Korea, Jordan, Qatar and Kazakhstan,†wika ni Reyes.
Kung gusto ng Gilas na makabawi sa kanilang fourth-place finish sa nakaraang Asian championship, dapat nilang talunin ang mga Koreans, Jordanians, Qataris, Kazakhs, Japanese at Taiwanese.
“Our focus against Jordan and Qatar is rebounÂding. They’re big, and we have to make sure that they don’t kill us off the boards,†ani Reyes. “They will try to overÂpower us. Mamamain nila tayo.â€