Wright pumirma uli sa Mavericks

DALLAS – Pumirma ng bagong kontrata si Brandan Wright sa  Dallas, ayon sa pahayag ng Mavericks nitong Hewebes.

Ang 6-foot-10 na si Wright  ay pumasok sa Mave-ricks bilang free agent noong December 2011.

Lumaro siya ng 113 games para sa Dallas, noong nakaraang season ay nag-average ng 8.5 points, 4.1 rebounds at 1.2 blocks a game para sa 60 percent shooting mula sa field.

Bagamat hindi sinabi ng Mavericks ang detalye ng deal, ayon sa agent ni Wright na si Jim Tanner, ang kasunduan ay $10 million para sa two years bukod pa sa incentives.

 

Show comments