MANILA, Philippines - Pumutok ang opensa ng Letran sa second half upang tuhugin ng koponan ang ikaanim na sunod na panalo sa pamamagitan ng 67-57 tagumpay sa Arellano sa 89th NCAA men’s basketball kagabi sa The Arena sa San Juan City.
Sina Mark Cruz at Ke-vin Racal ay nagtala ng 25 at 14 puntos habang pinagsamang 16 puntos ang ibinigay nina Rey Nambatac at Raymond Almazan.
Ang 6’7†na si Almazan ay humablot din ng 17 boards para mapantayan ng tropa ni coach Caloy Garcia ang mainit na si-mula noong 2008 season.
Ang panalo ay inialay din ng koponan para kay Franz Dysam na nagpapagaling matapos pagbabarilin noong nakaraang Sabado na ikinamatay ng kanyang kinakasamang si Joan Sordan.
“Itong game na ito ay para kay Franz Dysam. Ginawa naming motivation ang nangyari sa kanya,†wika ni Garcia.
Si Donald Gamaru ay may 10 puntos pero wala nang iba pang Chiefs ang nagtala ng doble-pigura para lasapin ang pangalawang dikit na pagkatalo tungo sa 2-4 baraha.
Sumabay ang tropa ni coach Koy Banal sa first half at napag-iwanan lamang ng isang puntos, 34-33, sa halftime pero ang mga tres nina Cruz at Nambatac para pagningasin ang 14-7 palitan ang naglayo sa Knights sa 11, 53-42, papasok sa huling yugto.
May 5-of-10 shooting sa 3-point line si Cruz tungo sa kanyang perso-nal-best.
“Malaking tulong ang magandang shooting ni Cruz dahil bumuka ang depensa nila at nakakalay-up kami,†dagdag ni Garcia.
Alley-hoop play kay Almazan ang nagtulak sa kalamangan ng Knights sa 15, 61-46, sa huling 3:46 ng labanan at ang nagawa na lamang ng Chiefs ay ibaba ito sa anim, 63-57, bago tinapos nina Cruz at Almazan ang iskoring sa isang lay-up at dalawang free throws.
Naunang kuminang ang Squires sa Braves, 72-65, sa juniors division para itabla sa 3-3 ang kanilang karta at itulak naman ang kalaban sa 1-5 baraha.
Gumawa naman ng 32 puntos si Rashleigh Rivero para pangunahan ang CSB-La Salle Greenhills sa 79-38 pagdurog sa Lyceum Junior Pirates. Ikaapat na panalo sa anim na laro ito ng host team habang ikaanim na sunod na pagkatalo ang nalasap ng Lyceum.