MANILA, Philippines - Mahusay na nadiskartehan ni Jessie Guce ang kabayong Big Leb para makuha ang inaasa-hang panalo ng kabayo na nangyari noong Martes sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas.
Nagbalikatan ang Big Leb at Leonor ni John Cordero sa rekta pero sunud-sunod na paggamit ng latigo ni Guce ang nagpalabas pa sa tulin ng dalang kabayo para manalo ng isang dipa sa katunggali.
Isang 3YO Handicap Race ang karera at ito ay inilagay sa 1,400-metro at ang Big Leb ang siyang liyamado sa limang naglaban para makapaghatid ng P5.00 sa win habang ang 1-3 forecast ay mayroong P13.00 dibidendo.
Nakapagpasikat din ang mga dehadong kabayo sa huling apat na karerang idinaos sa bakuran ng world-class ra-cing club na pag-aari ng Metro Manila Turf Club.
Ang lumabas bilang pinakadehadong kabayo na nagpasiklab sa unang gabi ng isang linggong karera ay ang Lucky Dream sa isa ring 3YO Handicap Race na itinakbo sa 1,400-metro distansya.
Si AF Sullano ang hinete ng Lucky Dream at nasilip niya ang maluwag na daanan sa pagitan ng Don'tfoolyourwife at Kismet para makuha ang liderato sa huling 150-metro.
Hindi na binitiwan pa ng Lucky Dream ang liderato para manalo ng dalawang dipa sa Kismet ni Jeff Zarate.
Di napaboran ang Lucky Dream dahil hindi maganda ang takbo ng kabayo matapos puma-ngalawa sa Yes Mayor noon pang Mayo 18 sa nasabing karerahan.
Dahil sa di inaasahang panalo, nagkamit ang mga nanalig sa Lucky Dream ng P97.00 sa win habang ang 3-2 forecast ay mayP205.50 dibidendo.
Ang iba pang dehadong kuminang ay ang Fort Belle sa race six, Luna Rose sa race seven at Green Grass sa race 9 para magkaroon ng carryover sa second set ng Winner-Take-All na P669,726.96.