Jermaine O’Neal pinapirma ng Warriors

OAKLAND, Calif. – Pinapirma ng Golden State Warriors si free agent center Jermaine O’Neal sa $2 million, one-year contract nitong Martes.

Ang six-time NBA All-Star na si O’Neal ay naki-pagkasundo, dalawang linggo na ang nakakaraan ngunit ngayon lang pumirma.

Inaasahang gagamitin ng Golden State ang 34-gulang na si O’Neal bilang back-up ni Andrew Bogut.

Nagrerekober pa si Festus Ezeli mula sa operasyon sa  kanang tuhod at inaasahang matagal pa ito bago makabalik.

Lumaro si O’Neal ng 55 games at apat na beses na naging starter noong nakaraang season para sa Phoenix Suns at nag-average ng 8.3 points, 5.3 rebounds at 1.4 blocks sa 18.7 minutes.  Ang 6-foot-11 center ay papasok sa kanyang ika-18th season sa NBA.

 

Show comments