MANILA, Philippines - Naghintay si Miami Heat superstar Lebron James at ang kanyang mga kasama ng halos isang oras at kalahati sa Ages Aviation hangar sa loob ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kung saan humimpil ang kanyang Gulf Stream exe-cutive jet nang dumating ito noong Lunes.
Sinabi ni Christopher Salonga, assistant general manager ng Ages Aviation na aalis na sana bandang alas-8:45 ng umaga patungong Guangzhou, China ang delegasyon ni James nang mapansin ng piloto ang aircraft warning light sa cockpit habang tinatahak ang daan patungong runway 06.
Sinabi ni Salonga na nagdesisyon ang piloto na ibalik ang eroplano sa Ages para sa maintenance check.
“It is better to know the situation of the aircraft while on the ground†sabi ng piloto kay Salonga.
Nakaalis ang grupo ni James dakong alas-10:15 ng umaga.
Dumating si James sa Manila sa unang pagkakataon noong Lunes para magdaos ng clinic at exhibition game sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Natuwa si James sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mahigit 11,000 Pinoy fans na nagpunta sa MOA. “I didn’t expect this, It is my first time here so I didn’t know what to expect,†sabi ng tuwang-tuwang si James na nangakong muling magbabalik dito sa bansa.