Warriors kampeon sa Vegas league

LAS VEGAS -- Umiskor si Ian Clark ng 33 points at nagsalpak ng 10 3-pointers para igiya ang Golden State Warriors sa 91-77 panalo laban sa Phoenix Suns sa championship game ng NBA Vegas Summer League nitong Lunes ng gabi.

Nagdagdag si Kent Bazemore ng 18 points at 5 assists para tulungan ang Warriors sa pagtatala ng 7-0 record sa summer league.

Tumipa si Marcus Morris ng 17 points at 6 rebounds para sa Suns na nagtapos na may 6-1 marka.

Nag-ambag si Archie Goodwin ng 18 points para sa Phoenix.

Ito ang unang pagkakataon na may itinanghal ang NBA ng isang kampeon sa 22-team summer league.

Si Toronto guard Jonas Valanciunas ang nahirang na MVP sa liga, habang si Clark ang kinilalang MVP para sa title game.

Show comments