MANILA, Philippines - Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na kailangang makahanap ang Lakers ng talent na pipirma sa kanila sa mababang presyo para kumpletuhin ang kanilang roster para sa susunod na season, matapos mabigong panatilihin sa team si Dwight Howard at may $70 million pang sobra sa salary cap.
Nakuha ng L.A. sina Chris Kaman at Nick Young sa mababang presyo, at dahilwala namang teams ang nag-aagawan kay Jordan Farmar, pumayag siyang bawasan ang kanyang suweldo para patuloy na makalaro sa NBA para sa Lakers.
Nang ipakilala si Farmar sa isang press conference, ipinaliwanag niya ang kanyang naging desisyon at kung bakit hindi mahalaga sa kanya ang malaking kita.
Hindi malinaw kung magkano ang nawala kay Farmar ngunit may nagsasabing abot ito ng $5-10 million.
“I was fortunate enough to go away and make some money to set my family up and be comfortable this decision wasn’t really financial. Barring major injury, I’m still 26 years old. I feel like I have a long time to play basketball,†sabi ni Farmar. “I just really wanted to make a sacrifice to be here. Not everyone is able to call the Lakers up and they take you. I thought it was important to do my part to make that happen. If that was sacrificing some dollars today, it was worth it for me.â€