MANILA, Philippines - Nagpatuloy ang makinang na paglalaro ni Terrence Romeo pero tumulong din ang iba pang guards na sina RR Garcia at Michael Tolomia para isulong ang FEU ang na-ngungunang karta sa 6-0 sa 77-67 paggapi sa UST sa 76th UAAP men’s basketball kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Kinapos ng isang puntos si Romeo para ma-panatili sana ang 20-point game performance sa kinamadang 19 pero hindi niya daramdamin ito dahil ang dating MVP na si Garcia ay may 17 habang si Tolomia ay mayroong 12 upang dominahin ang mga katapat sa Tigers na lumasap ng ikalawang pagkatalo matapos ang limang laro.
Ang dalawa ay mayroon ding pinagsamang 13 assists sa laro na ikinatuwa ni first-year coach Nash Racela.
“I really appreciate when my players make that extra pass,†wika ni Racela.
Sina Romeo, Garcia at Tolomia ay nagsanib sa 11-3 palitan para ibigay sa Tamaraws ang pinakama-laking kalamangan sa laro na 13 puntos, 74-61, sa huling 4:32 ng bakbakan.
“6-0 is the same feeling as 1-0. It doesn’t guarantee you anything. We still have to prepared hard against Adamson,†dagdag nito.
Gumawa naman si Kiefer Ravena ng kanyang season high na 15 puntos sa kanyang pagbabalik bilang starting five para bigyan ang Ateneo ng 72-64 panalo sa UP sa unang laro.
Nakipagtulungan si Ravena kay Chris Newsome, may 13 sa laro, sa ikatlong yugto para ipatikim sa Blue Eagles ang pinakamalaking kalama-ngan na 19 puntos, 57-38.
Sapat naman ito para maisantabi ang paghahabol ng Maroons para kunin ang ikalawang panalo sa anim na laro.