EL SEGUNDO, Calif. -- Hindi na nahirapan ang Los Angeles Lakers para ipakilala si Mark Madsen.
Ang dating Stanford player na naging bahagi ng NBA champion teams ng Lakers noong 2001 at 2002 ay kinuha bilang player development coach kasama si Larry Lewis.
Noong Mayo, iniluklok si Madsen bilang coach ng Los Angeles D-Fenders ngayong season.
Sa kanyang bagong trabaho, tutulungan ni Madsen si Lakers coach Mike D’Antoni na inilarawan si Madsen na “has endless energy and is a workaholic.â€
Naglaro si Madsen ng siyam na seasons sa NBA at naging Stanford assistant ng dalawang taon.