Laro NGAYON
(Philsports Arena)
2 p.m. -- Petron vs PCSO Bingo Milyonaryo
4 p.m. -- Cagayan Valley vs PLDT-MyDSL
MANILA, Philippines - Pangangatawanan ang pagiging seeded teams ang hanap ng Petron at CaÂgayan Valley sa knockÂout quarterfinals ng PhiÂlipÂpine Super Liga InvitaÂtionals ngayong hapon sa PhilÂsports Arena sa Pasig CiÂty.
Unang sasalang ang PeÂtron laban sa PCSO Bingo Milyonaryo sa ganap na alas-2 ng hapon baÂÂgo sumunod ang taÂgisan ng Cagayan Valley at PLDT-MyDS sa alas-4.
Ang papalaring mga koÂponan ang aabante sa seÂmifinals.
Naghihintay na sa Final Four na gagawin sa Hulyo 28 sa Mall of Asia AreÂna sa Pasay City ang TMS-Philippine Army at Cignal matapos pamuÂnuan ang anim na kopoÂnang liga na may ayuda ng Solar Sports, Mikasa at Asics sa 4-1 at 3-2 baraha.
Parehong may 3-2 karta din ang Lady Blaze SpiÂkers at ang Lady RiÂsing Suns at pinapaboran sa Puffins at Speed BoosÂters na may magkatulad na 1-4 baraha.
Matapos ang 3-0 paniÂmula ay natalo ang Lady RiÂsing Suns sa huling daÂlawang laro sa mga kamay ng Cignal at Petron para mabigo sa asam na diretsong umabante sa Final Four.
Aasahan naman ang pagÂtutulungan nina Aiza Maizo-Pontillas, Ma. Angeli Tabaquero, Gretchen Ho, Fille Cainglet at Rhea DiÂmaculangan para waÂkaÂÂsan na ang laban ng PufÂfins na kanila ring tiÂnalo sa eliminasyon, 18-25, 25-21, 25-22, 25-16.