MANILA, Philippines - Si Raymond Almazan na ang sinasabing pinakadominanteng sentro ngaÂyong 89th NCAA season.
Ipinakita ito ng 6-foot-7 na tubong Bataan nang kuÂmolekta ng 19 points, 17 rebounds at 3 shotblocks sa 61-53 paggiba ng Letran College kontra sa Lyceum sa first round ng 89th NCAA men’s basÂketball tournament kaÂhapon sa The Arena sa San Juan.
Matapos iposte ng Knights ang isang 12-point lead, 46-34, sa third period, nakadikit naman ang Pirates sa 52-55 agwat galing sa jumper ni Mark Anthony Francisco sa 1:45 ng fourth quarter.
Sa likod nina Almazan, pinsan ni PBA player Kerby Raymundo ng Barangay Ginebra, at rookie Rey Nambatac, muling naÂkalayo ang Letran laban sa Lyceum.
“Hopefully, makapagbigay ako ng championship sa Letran bago ako magpa-draft sa PBA this year,†wika ng 23-anyos na si Almazan.
Bago ito, nakuha ng PiÂrates ang first half, 32-31, bago ihulog ng Knights ang isang 14-3 bomÂba para ilista ang maÂlaÂking 46-34 kalamangan sa third period.
Binanderahan naman ni Issah Mbomiko ang LyÂceum mula sa kanyang 15 points kasunod ang 11 ni John Azores.