Bilang paghahanda kay Rios: Planado na ang training camp ni Manny

MANILA, Philippines - Nakalatag na ang mga plano para sa magi­ging training camp ni Man­ny Pacquiao.

Sinabi kahapon ni chief trainer Freddie Roach sa panayam ng Bo­­xingScene.com na wa­­lang magiging istorbo para sa pagsasanay ni Pacquiao sa  naturang kam­po. 

“I may bring a lot of fighters over there... Manny’s got the camp set up and it’s very secured. It’s not going to give him a lot of distractions coming in,” wika ni Roach.

Ang 80 porsiyento ng pag-eensayo ni Pacquiao ay gagawin sa Pilipinas ba­go ito tapusin sa Wild Card Boxing Gym.

“I think we’ll have less problems there than here,” dagdag pa ng chief trainer.

Lalabanan ni Pacquiao (54-5-2, 38 KOs) si Rios (31-1-1, 23 KOs) sa isang non-title fight sa Nobyembre 23 sa The Venetian sa Macau, China (Nobyembre 24 sa United States).

Inaasahan ni Roach na magiging determinadong manalo si Rios matapos ang isang unanimous de­ci­sion loss nito kay Mike Alvarado sa kanilang rematch noong Marso 30.

“Rios is tough guy, he’s coming off a loss,” wi­ka ni Roach kay Rios. “He knows he needs a big win here. I love the fight.”

Nanggaling naman si Pacquiao sa dalawang su­nod na kabiguan noong na­karaang taon laban kina Ti­mothy Bradley, Jr. at Juan Manuel Marquez.

Ayon kay Rios, kaya rin niyang gawin ang pagpapatumba ni Marquez kay Pacquiao.

“He likes to talk s--t and we’re going to shut him up,” sabi naman ni Roach kay Rios.

Show comments