Adamson wagi sa NU; UE lusot sa La Salle

MANILA, Philippines - Nabuhay si Jericho Cruz sa second half pa­ra tulungan ang Adamson na talunin ang Na­tional University, 68-66, sa 76th UAAP men’s bas­ket­ball kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay Ci­ty.

Gumawa ng 16 sa ka­buuang 18 puntos si Cruz sa huling 20 minuto ng labanan at nilakipan niya ito ng isang drive at jumper laban kay Bobby Ray Parks Jr. upang hawakan ang 68-63 kalamangan sa hu­ling 1:38 ng labanan.

Hindi agad sumuko ang Bulldogs at nakum­pleto ni Parks ang isang three-point play bago nabigyan ng buhay ang koponan na mapaabot sa overtime ang laro nang sumablay ang dalawang buslo ni Roider Cabrera sa charity stripes.

Pero nabantayan ng Falcons sina Parks at Emmanuel Mbe upang mapilitan si Robin Rono na ipukol ang tres na kinapos.

Nakuha ng UE ang unang two-game winning streak mula sa 85-83 come-from-behind win kontra sa La Salle sa unang laro.

Si Roi Sumang ay may 21 puntos para sa Red Warriors.

Ibinuhos ni Ralf Olivares ang anim sa wa­long puntos sa huling 46.8 segundo para itulak ang Green Archers sa ikalawang sunod na pagkatalo.

Limang sunod na pun­tos, tampok ang tres, ga­ling kay Olivares ang si­yang nagbigay ng kalamangan sa UE, 82-81.

UE 85 – Sumang 21, Mammie 19, Javier 16, Alberto 9, Olivares 8, Noble 8, Santos 4, Sumido 0, Jumao-as 0, Hernandez 0, Galanza 0, Flores 0, Casajeros 0.

La Salle 83 – Vosotros 26, Teng 13, N. Torres 9, T. Torres 9, Van Opstal 8, De La Paz 8, Salem 6, Perkins 4, Tampus 0, Revilla 0, Montalbo 0.

Quarterscores: 18-18; 39-43; 58-64; 85-83.

Adamson 68 - Cruz 18, Cabrera 12, Trollano 7, Se­wa 6, Petilos 5, Rios 4, Mon­teclaro 4, Brondial 4, Agustin 4, Julkipli 2, Iñigo 2, Ochea 0, Abrigo 0.

NU 66 - Mbe 17, Parks 15, Javillonar 10, Roño 6, Perez 5, Villamor 4, Alolino 4, Javelona 3, Porter 2, Rosario 0, Khobuntin 0, De Guzman 0, Alejandro 0.

Quarterscores: 17-15; 32-28; 48-48; 68-66.

 

Show comments